Lyrics Depot is your source of lyrics to Pare Ko by Eraserheads. Please check back for more Eraserheads lyrics.

Pare Ko Lyrics

Artist: Eraserheads

O pare ko,
Meron akong problema.
'Wag mong sabihin "na naman".
In-love ako
Sa isang kolehiyala.
Hindi ko maintindihan.
'Wag na nating idaan
Sa maboteng usapan
Lalo lang madaragdagan
Ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan.
Anong sarap,
Kami'y naging magkaibigan.
Napuno ako ng pag-asa.
Yun pala,
Hanggang doon lang ang kaya.
Akala ko ay puwede pa.
Masakit mang isipin,
Kailangan tanggapin.
Kung kailan ka naging seryoso,
Saka ka niya gagaguhin.
O Diyos ko! Ano ba naman ito?
Di ba, 'langhiya *
Nagmukha akong tanga.
Pinaasa niya lang ako.
Lecheng pag-ibig 'to.
Diyos ko,
Ano ba naman ito?
Sabi niya,
Ayaw niya munang magkasyota.
Dehins ako naniwala.
Di nagtagal,
Naging ganun na rin ang tema.
Kulang na lang ang sagot niya.
Ba't ba ang labo niya?
Di ko maipinta.
Hanggang kailan maghihintay,
Ako ay naiinis na.
Pero,
Minamahal ko siya.
Di biro,
T.L. ako sa kanya.
Alam kong nababaduyan ka na
Sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo.
O pare ko,
Meron ka bang maipapayo?
Kung wala
Ay okay lang.
Kailangan lang ay
Iyong pakikiramay.
Nandito ka ay ayos na.

Comments/Interpretations

by theressa on 7/16/2008 11:40am
ganda po ng kanta.. my naalala 2loy aq bgla.

kip it up. .
gudlak
by Bejorn on 8/24/2008 5:10am
ganda ng song
by haha on 12/11/2009 7:21am
aus na aus na! o pare!








Related:
Eraserheads Lyrics

More Eraserheads Music Lyrics:
Eraserheads - Alapaap Lyrics
Eraserheads - Bato Lyrics
Eraserheads - Fill Her Lyrics
Eraserheads - Hard To Believe Lyrics
Eraserheads - Minsan Lyrics
Eraserheads - Tindahan Ni Aling Nena Lyrics
Eraserheads - Torpedo Lyrics